Nagsayang lamang umano ng milyon-milyong piso ang gobyerno sa Dolomite beach project ayon kay Bicol Saro Representative Terry Ridon.
Sa isang panayam, sinabi ni Ridon na hinihintay lamang umano na maubos ang buhangin sa dolomite beach na nagkakahalaga ng P389-M.
“Kapag merong mga malalaking typhoons dito sa area po na ito, talagang nai-imagine mo talaga na centavo for centavo, piso by piso, million by million, nauubos ‘yung pera ng mga Pilipino,” wika ni Ridon.
Tinawag niya rin itong iligal na pagsasayang ng pera ang naniniwala siya na dapat mapanagot ang mga nasa likod ng nasabing proyekto.

