Ang mga bandidong grupong Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sunod na target ng militar kapag tuluyan nang matapos ang krisis sa Marawi City.
Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ipinahayag umano ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año na susunod na tatargetin ng militar ang Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu pati na rin ang BIFF sa Maguindanao.
Ani Año, panahon na upang supilin ang mga terorista sa Mindanao. Layon umano ng AFP na tapusin ang Maute Group, Abu Sayyaf at BIFF hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Año matapos kumpirmahin na napatay sa engkwentro noong Lunes ng madaling araw, ika-16 ng Oktubre, sina Isnilon Hapilon at Omar Maute; kapwa lider ng teroristang grupo na naghasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Gagawin umano ng militar ang lahat upang hindi na muling mamayagpag ang mga terorista.
Source : Bombo Radyo, Inquirer