Kaakibat ba ng pagmamahal ang masaktan ? kelangan bang masaktan kapag nasa isang relasyon ka, Para saan ?
Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao hindi mo siya sasaktan, pero bakit ka umiiyak? Love can give us a thousand reasons to smile and a few reason to cry since there is no perfect relationship, but to what extent ang pwede mo lang iiyak ? Napapagod din ang puso at kelangan na magpahinga sa sakit at pagbabalewala.
1. INFIDELITY
Masakit ang iwan ka habang sobrang mahal mo pa siya. Pero wala kang magagawa dahil sabi nga pag mahal mo pakawalan
mo duon siya masaya eh. Pero sinubukan mo bang ipaglaban ang relasyon nyo? Baka naman nagkulang ka kaya naghanap
siya ng iba ?
2. FADED LOVE
Sabi nila natuturuan daw ang puso pero paano pag pagod na talaga? Meron bang gamot para bumalik ang sigla na gaya ng
dati? Pag hindi kana ba niya mahal ibig sabihin ba hindi na importante sa kanya ang mga masasayang sandali na kasama
ka? Maniniwala kapa ba na merong forever? Mahirap man tanggapin pero napapagod ang puso, kaya habang mahal nyo pa
ang isat-isa pahalagahan mo.
3. TAKEN FOR GRANTED
Ginagawa mo na lahat para makuha ulit ang loob niya, nagbabakasakali na maibalik pa ang dati pero huli na ang
lahat. Marami ng bagay, oras at pagkakataon ang inukol mo para sa kanya subalit ang lahat ng iyon ay wala ng halaga.
4. MISUNDERSTANDING
Yung miss na miss mo na siya pero galit siya sayo at deadma ang lahat ng texts at tawag mo dahil lang sa isang
simpleng misunderstanding. Yung wala kang magawa kundi palipasin ang araw kung kelan siya magiging okay na kausapin ka.
5. JEALOUSY
Being jealous is a gesture of love for some pero paano pag sobra na? Mas gugustuhin mo ba na hiwalayan ka nya at
mamuhay ng tahimik at mag gumawa ng panibagong istorya sa unang pahina? O hahayaan mo nalang na dumating sa
sukdulan? As they say “never make permanent decision if you’re mad, Keep calm and let it past”. Pero iba na ang
usapan kung ang pagseselos mo ay may basehan! Be thankful instead dahil iniwan ka nya, kesa saktan ka nya ng paulit
ulit at hindi mo alam hanggang kelan.
6.EXPECTATION
Nagkakilala, nag usap, lumabas kayo together, sweet siya sayo, ang dami niyang pangako para sa inyo – Umasa ka at
nabigo dahil lahat ng pinagsamahan nyo ay walang malisya, kaibigan lang ang turing niya. Umiyak ka, nag mura,
naghanap ng makakasama, na fall ka sa kanya, ini expect mo na gusto ka niya , umasa ulit, umiyak at hanggang sa
nawalan ng pag asa. Komplikado ang buhay pag-ibig di ba ?
7.REALITY
That NO relationship is perfect, and not always is a happy ending. I submit myself to the person whom I thought I
could be with until our hairs turns grey but reality makes it hard for us to continue our love story – so it ended
in a fairy tale like romance where one has to die to free the other from a curse that the only way to break it is to
unlove. Mahirap pero kelangan mo mag move on. Iiyak ako sa ngayon, pero hindi na masakit tulad ng kahapon. I will
still continue to love, and love again.
Comments are closed.