Masakit mapaglaruan ang puso lalo na kung ang tao ay natutunan mo ng mahalin. Isa sa mga dahilan kung bakit karamihan sa nagmamahal ay takot ng masaktan, dahil sa mga panloloko na gawain ng iilan. Akala ko totoo na, hindi pala, paano ba maaagapan ?

1. Constant communication kunwari

Araw-araw kang e te-text or chat nang good morning messages, messages of care and lahat ng pambobola, pero at the end of the day, lahat ay drama lang pala. Mr no commitment, no emotional feelings attached. The good thing is kahit hindi totoo, atleast you feel that someone is interested in you.

2. Sweet messages

In relation to rule#1, dahil sa sweetness niya unti-unti kang nahuhulog sa mga lambing at mabulaklaking mga salita. Sino ba naman ang ayaw maka feel na may taong concern sa kanya? The question is.  baka naman lahat ng sweet messages is sent to many? It’s for you to find out.

3. Kunwari concern

Yung pagod ka sa araw-araw na ginawa ng Diyos pero nag chat or text siya para kamustahin ka, ang sarap sa feeling
diba ? Sana lang hindi niya gamitin itong pagiging concern citizen niya to take advantage of your weakness at
manghingi ng something in return, eventually.

4. HEART attack

Alam mo na non-sense ang post mo at hindi naman ka pansin-pansin pero naka auto heart na si crush sa posts mo para masabing PALAGING NASA PUSO ka niya (Kunwari). Isa eto sa mga galawang hukage na pag kumagat ka at ni chat mo siya ang ending ang reply lang niya ay “HAHA” o mas masaklap “SEEN ZONED” , why ? Dahil nga sa pa fall siya.

5. Frequent Update

Related eto sa rule#s1,2,3 para mas maganda ang drama i to-todo na niya ang pag bilog sa utak mo na mahal ka niya. Ang hindi mo lang alam pinag uusapan kana pala ng barkada niya kung paano ka kumagat sa pa-in nila.

6. Always cancelled meet up

Eto na yung mga panahon na hahamakin ang lahat makita lang siya pero hindi na mangyayare yun kasi sa lahat ng ni set ninyo na date, lahat CANCELLED at dahil sanay na siya sa gawaing ito, you will never question his intention kasi lahat ng rason ay valid, like family emergency, work related issue or worst nabangga sila along service road or NLEX/SLEX.

7. Drama king

All steps from 1 to 6 ay kabisado na niya kaya pwede na siyang maging best actor at ikaw naman ang best actor in a supporting role kasi kahit alam mo na niloloko ka lang niya, hindi mo padin makuha na lahat ng ginagawa niya sayo ay lahat DRAMA lang. Maybe only to feed his ego na pwede ka niyang makuha or magamit for future reference
in one way or another.