“Walang manloloko kung walang magpapaloko”, paniniwalaan ko na sana eto kaso mahirap. Hindi mo kasi alam na niloloko kana pala, saka mo lang ma re-realize pero huli na ang lahat. Sa mga ganitong pagkakataon sino ang may pagkukulang? Ang nagpaloko o ang bumilog sa utak at puso mo ?

1. Constant communication kunwari

Araw-araw kang e te-text or chat ng good morning messages, messages of care at lahat ng pambobola, pero at the end  of the day, lahat ay drama lang pala. No emotional feelings attached. The good thing is kahit hindi totoo, atleast  you feel that someone is interested in you.

2. Sweet messages

In relation to rule#1,dahil sa sweetness niya unti-unti kang nahuhulog sa mga lambing at mabulaklaking mgasalita. Sino ba naman ang ayaw maka feel na may taong concern sa kanya? The question is… baka naman lahat ng sweet messages is sent to many? It’s for you to find out.

3. Kunwari concern

Yung pagod ka sa araw-araw pero nag chat or text siya para kamustahin ka, ang sarap sa feeling diba ? Sana lang hindi niya gamitin itong pagiging concern citizen niya to take advantage of your weakness at manghingi ng something
in return, eventually.

4. HEART attack

Alam mo na non-sense ang post mo and hindi naman ka pansin-pansin pero naka auto heart si crush sa posts mo para masabing PALAGING NASA PUSO ka niya (Kunwari). Isa eto sa mga galawang hukage na kapag kumagat ka at ni chat mo siya ang ending ang reply niya ay “HAHA” mas masaklap “SEEN ZONED”, why ? Dahil nga sa pa fall siya.

5. Keep in Touch

Related eto sa rule#s1,2,3 para mas maganda ang drama i to-todo na niya ang pag bilog sa utak mo na mahal ka niya. Ang hindi mo lang alam pinag uusapan kana pala ng barkada niya kung paano ka kumagat sa pa-in nila.

6. Always Cancelled Meet Up 

Eto na yung mga panahon na hahamakin mo na ang lahat makita lang siya, pero hindi na mangyayare yun kasi sa lahat ng ni set ninyo na date ay cancelled at dahil sanay na siya sa gawaing ito, you will never question his integrity kasi lahat ng rason ay valid, like family emergency, work related issues or worst  nabangga sila along service road/NLEX/SLEX. **Sigh**

7. Drama King

Repeat steps 1 to 6, kabisado na niya yan kaya pwede na siyang maging best actor at ikaw naman ang best actor in a supporting role kasi kahit alam mo ng niloloko ka lang niya, hindi mo padin makuha na lahat ng ginagawa niya sayo ay DRAMA lang. Maybe only to feed his ego na pwede ka niyang makuha or magamit for future reference in one way or another.